Ok, ang thread na ito ay inspired ng isang PBB teen housemate, si Alex..
Kasi kung iisipin natin, diba pag di ka pa tuli, tatawanan ka dito sa Pinas dahil nasa kultura na natin ang pagpapatuli..
Pero kung sa Italy ka naman, Di yun big deal?
Paano nga pa nauso ang tuli sa Pinas?
Sana respetuhin natin ang kultura ng iba, kasi, sa kapit bahay namin, tinatawanan nila si Alex, supot daw... pero di nya naman yun kasalana kasi culture din nila yun dun diba?
baka nga pagpunta natin sa bansang di uso ang tulia, at sinigaw natin na tuli tayo, baka pagtawanan rin nila tayo..
normal reaction siguro nating mga Pinoy ang matawa sa mga lalaking medyo matanda na pero supot pa rin kasi nga gawa ng kultura natin. pero syempre, dapat i-consider din yung pinanggalingan nung lalaking di tuli. kasi baka sa pinanggalingan nila, tayong mga tuli naman ang lalabas na katawa-tawa. pero kasi part na rin ng personal hygene ang pagpapatuli, iwas sa sakit. tsaka bilang mga Kristyano, bahagi yan ng ating paniniwala.
matanong ko na nga rin. tutal tuli naman ang topic. bakit nga ba laging tinatapat ang pagpapatuli ng summer? kelan ba sinimulang gawin yun ng summer? bakit summer? bakit di ba pwede sa ibang panahon?
Hindi naman sa as in tawa talaga, pero honestly, 'di ko rin maiwasan mangantyaw ng mga supot pa. Ang laki-laki niya na 'no! Haha! Pero dala na rin siguro ng kultura natin. Ang tuli kasi ay para nang sign ng coming of age ng mga batang lalaki sa atin, maybe something to do with being macho? Pati para mas malinis, 'di ba? Mahirap na magka-smegma! Yech!
Pero kung nalilinis niya rin naman nang maayos yun at kultura nila ang 'wag magpatuli, ano ba'ng pakialam ko?
@tekkenlord: "TULI 4 SALE?!" Ang labo, mehn!
@wenong: sa tingin ko, mas maganda kasi kung summer e. Mahirap naman kung may pasok tapos magpapalda ka bigla! Though hindi naman ako nagpalda nang tinuli ako, maluwag na shorts lang...
I do respect ung culture ng iba pero kung iisipin ko nakakatuwa talaga lalo na pag i imagine mo ung itsura at resulta. d2 sa alemanya hindi raw uso ang tuli malamang isa rin iyon sa mga factors sa mga amoy nila.