Amay said:
^^ I agree.... pababain na lang ang rate ng txt at call, kaya naman kasi tayo nagiging txt capital e kasi nga medyo mura ang txt compare sa call, dito almost same lang ang rate ng call and txt...
nagreklamo na ang maraming katxtm8
fafa sam hinde uso ang txt dito... puro tawag sosyalin kami hahahaha
Ganun naman talaga dati yung di pa gaano uso ang cellphones dito sa pinas free lang ang pag txt. Nagkaroon lang ng bayad nung marami na ang cellphone users nagkaproblema kasi sila sa network yung mga cellphone company "nagkakatraffic" ayon late palagi yung mga messages.Kaya nilagyan ng bayad kada text para malimitahan ang mga walang kwentang pag forward ng messages.
feeling ko mahirap maaprove yun kasi malaki mawawala sa mga network provider.. malamang magtiis ang iba ng txt txt lang lagi wag na call kung libre yun..
i agree. dapat lang naman kasi na libre na ang text.
usually kasi (esp. in the states) call ang ginagamit. eh tau kasing mga pinoy gusto natin na matagalan ang usapan kasi madami taung oras. kaya nageenjoy yung mga service providers dito dahil sagana mgtxt mga pinoy, yumayaman tuloy sila.
----- "oo, inaamin ko saging lang ako pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso."
maganda sana to, kaso baka naman bumaba yung quality ng services nila, e yung ngang may sinisingil sila e medyo problematic pa rin yung system, pano pa kaya pag libre?
saka malabo yatang mangyari to, alam naman natin na multi-million ang kita ng mga telecom companies sa text pa lang, im wondering, baka naman naisipan ng government ito para mapapayag ang mga telecom companies na lagyan na lang ng tax ang text instead of offering text messaging for free? mas malaki nga naman ang mawawalang revenues pag naging free ang text messaging services kesa sa pagbabayad ng tax
PHILIPPINE STAR
May 23, 2008 yan nasulat. sa page 1.
malaking kaluwagan kung matuloy yan.. kasi yung budget para sa isang bisyo [sending sms] mapupunta sa ibang pagkakagastusan gaya ng pagkain, damit etc. kaya lang papayag kaya ang smart at globe nyan?
di ba no comment daw ang globe at smart sa isyung ito...aysus..im dreaming of a white christmas kapag naaprubahan to..bka umulan ng snow sa pilipinas..
marela said:
PHILIPPINE STAR
May 23, 2008 yan nasulat. sa page 1.
malaking kaluwagan kung matuloy yan.. kasi yung budget para sa isang bisyo [sending sms] mapupunta sa ibang pagkakagastusan gaya ng pagkain, damit etc. kaya lang papayag kaya ang smart at globe nyan?
oo nga sis.. yan din ang tanong ko syempre malaking kawalan sa kaban ng smart & globe pag natuloy ito..
sana babaan na lang nila yung singil (gawin 25 cents) kada text.. malaki pa rin naman kikitain nila sa dami ng nag tetext noh