wenong said:
big factor yung height ng mga batang yan. yung game pwede pa nilang madevelop yun. sana magkainteres silang maglaro sa PBA tutal baka wala rin silang kabagsakang magandang liga sa abroad. dito na lang sila at ng mapakinabangan sa national team.
siyempre pare ang dream ng mga yan eh bigatin..kaya liga sa abroad ang target ng mga yan, mas malapit sa NBA eh....pwede pa naman sila sa National Team kahit wala sila sa PBA basta gusto lang nila..
Kasi alam naman nating lahat na tayong mga Pinoy can really play the game. Pero ang problema nga eh yung height natin mga pinoy. Since kulang nga tayo sa height, gumagawa ng paraan ang mga trainers natin na gawing pang-forward up to center yung mga players na may na 6ft pataas. Heto ang suggestion ko, what if we concentrate sa pagsasanay ng mga players into a guard position. Kasi dito tayo magiging competitive sa position na ito. In this manner eh magiging possible talaga na gawing import ang pinoy sa iba't-ibang international leagues. Example na lang nito eh si Jason Castro. Import si Castro sa isang league dun sa Singapore. Ngayon, bonus na lng siguro kung mabigyan tayong mga Pinoy ng isang malaking player na magiging Forward at Center natin. Kailangan lang gawin eh itrain mabuti at imotivate na mag-step up into an international level of playing.
Napansin ko kasi na karamihan ng mga player dito sa pinas eh Pera lang ang katapat. Kapag kumikita na sila ng malaki eh di na sila naglalaro ng maayos. Parang wala na silang motive to improve more.
Heto ang suggestion ko, what if we concentrate sa pagsasanay ng mga players into a guard position. Kasi dito tayo magiging competitive sa position na ito.
We can do that, dude, and you have a very good suggestion..pero kung dito sa pilipinas ang training malabo yan..we can't teach a big man to move like a guard kung wala tayong sapat na training facilities..guard should be quick and fast eh yung mga malalaki natin mababagal..
But if you're referring to the height of those players that are listed(in the 1st page), then i dissagree, di pwede yung suggestion mo, those listed players shouldn't be trained as a guard, malalaki yung mga yun that even sa NBA nasa Forwards and Centers ang position nila..
Example na lang nito eh si Jason Castro. Import si Castro sa isang league dun sa Singapore.
for the record dude, Castro will not play as an import there, he would be included to the Singapore Slingers' active roster..he will be a player there..parang kamukha nila Nowitzki sa Dallas, he's a German but he's playing in the NBA..ganun din si Castro..
kelangan din ng mga future players ang exposure sa international competition, kasi nandun ung mga big man na pwede nilang makatapat.. kung d2 lng cla ma-eexpose gaya ni fajardo at slaughter, babagal ang improvement nila..
dapat isali sila sa training pool ng basketball natin tapos if there would be good samaritans na mag iisponsor eh try to send them abroad for training and international game exposure ng matagtag. tsaka wag na nila gayahin ang laro ng mga kano o yung maerican basketball na showtime. pinakita na ng argentina at ng ibang bansa na beatable ang US tsaka dapat international brand of play ang ituro sa kanila para maging familiar sila sa FIBA rules
^^Mas ok siguro kung Euroleague lang muna ang isipin nila. kung makapasok sila kahit anong team sa Euroleague malaking exposure na rin iyan tapos mas malaki ang posibilidad na ma-impress nila ang scout ng NBA kasi malakas din ang kumpetisyon doon.
Ok na rin iyung ginawa ni Castro sinubukan niyang maglaro sa ibang bansa.
yap, pwedeng pwede sa euro league..
kita mo ung mga middle east country, bukod sa may liga sila sa kani-kanilang bansa, sumasali rin sila sa iba't ibang liga sa europe. kaya nakakasabay na rin sila sa mga team gaya ng china at korea..
Agree ako kay sir manu. Dapat Euroleague muna. Dagdag ko pa yung CBA sa china at yung isang international league sa Australia. Kasi sa Euroleague eh FIBA rules ang ginagamit nila dun. Tapos kung mapapanuod mo pa yung style of playing sa euroleague eh mamamangha ka.
^^oo nga pala may CBA (ito ba ang name or iyung CNBL or CNBA?) ng China. Ni isang player wala tayong naglalaro doon. May Taiwanese, Lebanese, Korean at Japan player na nakapasok sa liga ng China. Kaya rin siguro iyan natin. Kasi kung ang mga players natin palagi lang nandito halos sila-sila lang tapos iyung iba kung makakuha ng malaking kontrata medyo mag relax na at di na ma-motivate na mag-improve.
Ang problema lang talaga naten is Budget..di biro ang budget na kailagan pag sumali sa ganun..kaya naman ng SMC ang gastos kung tutuusin..kaya lang willing ba sila?
^^hindi ang team..iyung player mismo..gaya ni Chen Hsin An (tama ba ang spelling) iyung player na nag sacrifice na di muna nag sign sa commercial league sa Taiwan kasi sumali sa training camp sa Sacramento Kings..2002 yata iyun tapos kasali siya sa summer league roster kaso na tanggal din siya. balik siya sa Taiwan laro sa commercial league nila for 1 yr (yata) tapos naglaro sa commercial league sa Japan kasi isip niya mas malakas ang kumpetisyon sa Japan kaysa Taiwan. Tapos noong di na siya ni-renew balik ulit siya sa Taiwan tapos ngayon may kumukuha na naman team sa kanya sa China.
Ibig kung sabihin kung gusto talaga ng player ng NBA kailangan talaga niyang mag-sakripisyo financially bale turn down ang offer dito tapos try luck sa ibang bansa ng liga kasi iba ang level ng kumpetisyon sa PBA at iyun ibang liga sa ibang bansa.