Anu-ano ang pwedeng maging epekto nito sa kabuuan ng ating bansa?
Sa akin kung ito ang magiging sagot para sa permanenteng kapayapaan, payag ako rito. Pero siguradong napakabigat at napakalawak na proseso ito. At walang assurance kung talagang magiging payapa.
Paano na mga pinanganak sa Mindanao? Instantly hindi na sila Pinoy. Mindanaoan na. If pupunta ka dun, kelangan mo pa dumaan ng immigration?
Marami ding negosyo ang nasa Mindanao na nakakatulong sa bansa. Paano na kung exclusive na sa Mindanao nalang ang mga yan. And yung napapabalitang oil dun. Sila nalang ang makikinabang.
napaka sensitive ng issue na ito kasi maraming maapektuhan. at hindi madaling ihiwalay ang mindanao dahil parte sila ng pilipinas at kasama sa Konstitusyon. ang mabuting gawin ay pag usapan yan ng magkabilang panig at gawin ang nararapat alang alang sa mga kapatid nating muslim sa mindanao
Yung nagaganap ngayon na usapin sa Mindanao. Dapat yata may MOA signing na between MILF and Philippine govt to give the former additional jurisdiction and authority sa ilang parts ng Mindanao (correct me kung mali pagkaintindi ko). Eh at the last minute, hinarang naman ng Supreme Court. Sa akin ang nakakainis dito ay hindi yung pagkaudlot ng MoA signing dahil far fetched pa ito in relation sa topic ng thread na ito, kundi yung NAGASTOS NG GOBYERNO SA PAG-AAYOS NG MOA NA YAN!!! Syempre sa binayarang buwis na naman natin galing yan. Ang balita ko may mga overseas trips pa yan eh. Bakit ang gulo ng proseso natin?
Kung hihiwalay sila eh baka maging islamic country ang Mindanao. Pano na ang mga kristiyano sa Mindanao? Will they allow na may Christian religion sa Mindano? Kapag hindi, saan sila pupunta?
Magulo iyan. Ang sa akin lang eh, parte ng kasaysayan natin bilang mga pilipino ang Mindanao, kung hihiwalay sila ay parang binubura na rin natin ang isang part ng ating history. At saka magkakaroon ng panibagong design ang Philippine flag.
Mindanao, new country? Hindi parin sagot sa kapayapaan yan. Nandyan parin yung mga kapatid nating na muslim na mali ang interpretasyon sa banal na quoran...patuloy parin ang gulo...at lalong hindi pa nila kayang tumayo sa sarili nilang paa. at saan naman ang kanilang capital...payag naman kaya yung ibang lalawagin nito?
Mahirap ihiwalay ang Mindanao. Hindi mo mababantayan ang Territory ng Pinas dahil mga group of Islands. Baka mangyari nyan, pag nasakop tayo ng mga taga Mindanao, mawala na ang Pinas. Mindanao country na...Sa dami ba naman mga scholar ni Bin Laden dun sa Mindanao.
----- "WORK hard, PLAY hard, and see the difference in the morning!" "Whatever plans I have in mind, Lord, I surrender them to YOU. I will do the best I can. But in the end, let Your will be done. Amen"