Kung makata ka man or feeling makata, welcome ka sa thread na to. post mo lang ang kadugtong ng tula/linya bago na sinundan mo.
Rules:
1. Post at least 2 lines (kahit hindi rhyme, ok lang).
2. This is the tagalog version of the thread "Let's make a poem" (so if English version yan, dun ka mag-post, wag mong sayangin ipost yung tula mo dito)
3. You can make any comments about the previous lines but please refrain from saying, "Ang galing nyo...Ganda...Astig....o kung ano ano pang spamming style mo.
Sige, simulan na yan!
Kung darating ang bukas at di ka masisilayan,
Ano pang silbi nang pagsikat ng magandang araw?
Kung malulumbay din naman ang puso kong iniingatan,
Mas pipiliin kong sa piling mo mawalan ng buhay.
----- Love sucks...but it sucks so good...
"I'm way too cool for ya boy
That's why it'll never work" - Beautiful Girls/Jojo
minsan naiisip ko bakit ka pa nakilala
kung darating din ang araw na ikaw saki'y mawawala
pano iwawaglit ang lungkot na nadarama?
pano malilimutan pinagsamahang kay saya?
----- Love me when I least deserve it... coz that's when I really need it.
sapagka't ayaw kong makalimot
nais kong namnamin itong aking pagkabagot
nang sa gayo'y di na muling malulungkot
at di na muling sisikatan ng sinag ng takot...
limutin ang sinag, isantabi ang pangako
sa pusong sawi kay ilap ng pagbabago
hangga't may kirot di batid kung saan patungo
ang hapdi ng lumbay ang dumadaloy na dugo
hawiin ang kirot isang tabi ang poot
bawat pagnanasa kabutihan ang dulot
ang pagpasya may kakambal na lungkot
pero ang manok di titigil sa pag ipot...
hahahaha
----- A greatloner and still the boring type, keeping myself busy with the net during my jumpball days, goin anywhere to find something new.. COFFEE and ALCOHOL are my only sins.. still.. lol!
doon lang, ang bawat sandali ng kaligayahan
kung sa aking dako ni sulyap mo'y di masilayan
ang inaasam na ika'y makapiling sa bawat sandali
tanging pangarap lamang kung ika'y di mananatili
ang agos ng pangarap sayo lamang dadaloy ng lubusan
hanggang sa suminag ang liwanag ng katotohanan
ikaw ang dahilan ng lahat ng pagibig na inaasam
naway marapatin mo na pagibig ko'y maramdaman
kay hirap limutin alaalang kay saya
mas maigi pa yatang buhay ay mawala na
pilitin man ang sarili na humanap ng iba
mukha mo sa tuwina ang syang nakikita
yakap at halik pilit nililimot
larawan ng kahapon sa isip ko'y umiikot
pano hahagkan ang magandang umaga
kung sa aking pagmulat sa paningin ko'y wala ka..
wag kang mabahala kung akoy di mo makita
sa umagang paggising, pagdilat ng mata
akoy lumayo hindi para mgsaya
ngunit upang mghanda sa kinabukasang maginhawa
----- TDP - A looking glass to the Filipino Community.
yeah! right, the officials here are as well