Aba, aba, teka muna fafa harm,
Iyong istilo sa akin yata'y iyong binibintang,
Sapagka't ako'y isang inosenteng bata lang,
Sa "Dragon Arts" ako ay walang kaalam-alam.
di ako maka relate sa mga dragon na yan
anu kaya ibig sabihin at ako'y bago lang
marami palang istilo mga myembro dito
sige nga fafa harm, sabihin at sila'y ibuko
----- Everytime you smile at someone, it is an action of love,
a gift to that person,.......... a beautiful thing.
atin nang ibuko ang mga dragon dito
sila, na maraming chicks ang nagkakagusto
pandadragon ang tawag sa diskarte nila
na kung iyong pakinggan makalaglag saya
sa lahat ng dragon si Amay ay numero uno
mga chicks ay naghahabol sa machong ito
si paulskee naman ang dragong marino
mga newbie ang tinitira nitong si gwapito
si master jeth - inosenteng dragon kung tawagin
alam lahat ng FS at YM ng mga dalaga natin
isama pa natin makatang si fafa jeremi
dinadaan sa pangungulit ang mga babae
mga dragon dito ay kilala ko na
mga istilo pa lang na ginagamit nila
mga pananalita na gamay na gamay ko na
kaya mga dragon sa akin ay di uubra..
(^_^) v peace!!!
ngayon nahuli na ang kani-kanilang style
madali nang umiwas pag silay nakaSMILE
alam na at kilala ang mga dragon dito
kaya makakaiwas pag silay kumambyo.
Binibining Krior, ang iyong tinuran,
ay talaga namang may katotohanan,
Ngunit isang tanong ang hindi ko maintindihan,
"Sila" na mga dragon ba ay dapat nating tularan?