Nabuntis ni guy ang girlfriend nya pero hindi pa sya ready to be a dad. In short, di nya pananagutan yung bata. Pero gustong ituloy ni girl ang pagbubuntis nya. So ang nangyari, magiging dalagang ina sya. They have the same circle of friends and nasabi ni girl sa mga friends nila ni guy ng minsang magkausap-usap sila (wala si guy nung time na yun) na lahat sila gagawing ninong at ninang pati ang daddy ng magiging baby nya.
Nung magkausap-usap naman ang mga friends nila at si guy, sinabi ngayon ng mga friends na magiging ninong at ninang nga sila ng "anak ni girl" at may kasunod na ganito....ikaw din (pertaining to the guy), ninong ka rin ng "anak ni girl"....ayaw mo daw kasing maging daddy eh"....ang response ni guy ganito...."ganun?sinabi nya sa inyo yun?"
Ang tanong.....
Ano sa tingin nyo ang nafeel ni guy based on his reaction sa statement na yun ni girl?
Sa mga guys, ano mafe-feel nyo pag nalaman nyong ganun ang sinabi ng girl?
Salamat in advance sa mga comments nyo.
-----
hindi man ganun kasarap ang buhay.....habang buhay naman akong masarap
hmm.. isa ba itong TDPer? tanong lang naman.. hehehe
on topic: nagulat si guy. kasi di nya akalain na ioopen ni girl ang totoong kalagayan nya.. siguro ang iniisip ni guy di ipagsasabi ni girl na nabuntis sya dahil syempre mahihiya si girl,, kasi di sya pinanagutan ni guy.. hmm.. eh matatag si girl.. kaya ayun..
@click
girl....ipagpalagay na lang natin na kathang isip ko lang din ito
on topic....ako rin yun ang palagay ko eh...saka matatag talaga yung girl siguro expected ni guy na kung sakali mang sabihin ni girl sa friends nila yun...yung tipong magpapaawa si girl or magse-seek ng sympathy?
-----
hindi man ganun kasarap ang buhay.....habang buhay naman akong masarap
tingin ko hindi siya nasaktan, gusto niya lang ipakita sa mga friends nila na responseble siyang lalake kaya ganun reaction niya, pero sa sarili niya, alam niyang iresponsable pa rin talaga siya..
kung ako naman yung guy, although di ko ma-imagine na magagawa ko yun, masasaktan ako at matatauhan pag ibang tao na ang nagsabi sayo na ayaw mo ng responsibilidad..
----- The problem with fear of death is that it can paralyze one's ability to enjoy life..
pero mabait itong si girl hah? ninong pa rin si guy sa kabila ng lahat.. na "kahit di mo panagutan.. im giving you an option para kahit papano.. makita at mahawakan mo pa rin ang anak mo"
di kaya pang insulto ni girl ito kay guy? di kaya.. hmm..
Nagulat? nah, palagay ko napahiya si guy sa sarili noong malaman niya na ganoon na ang sitwasyon. Whahaaha ninong na lang siya kasi ayaw niyang maging daddy. kakahiya yon.
Bilang tao, kapag gumawa ka ng isang bagay kylangan handa ka ring harapin ang (mga) ibubunga nito. Hindi pa siya handa maging tatay pero kontodo pasarap siya. tsk tsk tsk
Waah! Hmm... malamang kung ako si guy medyo masasaktan ako. syempre maging ninong ba naman ako ng anak ko na ayaw kong panagutan.
Pero eto lang, bakit gagawin ni girl na ninong si guy? hindi ba ang ninong, 2nd parent, meaning responsible pa din siya sa bata. Kasi kung ako si girl, di ko siya gagawin na ninong. Ano siya?! Chuus, kung ayaw nga niya panagutan yung bata bilang anak niya, bakit niya naman magugustuhan na maging godfather ng bata.
----- .COM:Zhutios[14:54] El Dorado || .PH:Nusiios [77:44] Queber
actually....joke lang ni girl yun nung nagkausap-usap sila ng mga friends nila ni guy....it just so happened na ikinwento ng mga friends kay guy....kaya ayun, unintentionally nasoplak sya!
pero tama si krior....nakakainis mga ganung tao...kasama mo sa sarap...pag nagkaproblema na....iiwan ka sa ere! tsk...tsk....
-----
hindi man ganun kasarap ang buhay.....habang buhay naman akong masarap
fakner bakit mo pinoste yung situation natin hehehehehe
para sa akin kung ako siguro si guy ay matutuwa pa rin ako dahil kahit papaano ay invlove pa rin sa magiging anak namin kahit ninong lang muna ako kasi in the end lalabas din ang katotohanan sa bata na ako ang ama nya
Kalai kow, nakakainis and talagang masakit yung ganyang pangyayari. Tipong balewala lang sa kanya kung ano nangyari matapos siyang maligayahan.
Well, kung biro lang. Mabuti din na umabot sa kanya. Sampal sa kanya talaga yun. Ibig sabihin lang di siya worthy maging father..
kuya musicz, lalabas at lalabas ang totoo... ang tanong dun, kung pagdating ng panahon na yun, magbabago ba ang isip nung tatay. may iba kasi talagang natural sa kanila ang pagiging manhid at makasarili... tsk tsk
----- .COM:Zhutios[14:54] El Dorado || .PH:Nusiios [77:44] Queber
unang-una, dalawa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit hindi tanggap ni lalaki na anak nga nya ang dinadala ni babae: (1) iniisip nyang marami s'yang ka"share" (sorry for this kind of thinking, girls) sa babae, o kaya (2) duwag lang si lalaking harapin ang responsibilidad n'ya.
sa ganang akin, nakaka-insulto ang dating ng linyang "kung ayaw mong maging daddy, eh ninong ka na lang." i guess it would be best and civil to let that particular man out of the scene. and it can be both ways, too. civil na nga si babae, wala na ring papel ang lalaki sa buhay nya.
ito'y sa ganang akin ha.
----- i prefer the most righteous war to the most unfair peace.
Votes : 0. Rating : 5.00.
Nov 18, 2008 04:16 pm Edited : Nov 18, 2008 04:25 pm
Teka, parang ang daming thread tungkol sa pagbubuntis. Kahapon lang meron akong nasagutang ganito pero iba yung sitwasyon.
Anyway, Ms. Kalai, pwede kayang tanungin na lang ng deretsahan yung guy kung anong feeling nya na instead na gagawin syang ama eh ninong na lang? Di natin alam kung bakit ayaw nya maging ama sa bata. Baka nagdududa sya kung kanya ba yung bata kaya kahit suporta sa bata eh ayaw nyang gampanan. O baka inaantay nyang lumabas muna ang bata at saka nya e-evaluate kung sa kanya ba yun then gagampanan nya ang pagiging ama. Siguro napatanong lang sya ng ganun dahil di nya akalain na ipaalam sa mga kaibigan nila na sya ang ama ng bata. Magiging masama sya sa paningin ng mga kaibigan. Parang unfair din yun sa part ng lalaki.
Kung tunay silang mga kaibigan dapat pinag-ayos silang dalawa. Pinag-ayos doesn’t mean na e-persuade nila yung lalaki na pakasalan yung babae. At least man lang mag-usap at no hard feelings ang both parties. Kung nasabi ng babae yun (“ninong na lang dahil ayaw nyang maging ama”) malamang may hinanakit pa rin yung babae. Dapat kasi pinag-usapan muna nila ang maaaring mangyari bago nila ginawa ang pagtatalik. Di na tayo mga taong bundok na di alam kung bakit nabubuntis ang babae. Baka akala ng babae eh papakasalan sya kung mabuntis sya at sa side naman ng lalaki eh akala nya nagpaparaosan lang silang dalawa. Puro assumptions ang nangyari. Ngayong nagkabuntisan na eh na-realize nila na mali ang ini-expect ng isa’t-isa at nagkakasakitan na ng salita. Sana man lang bago lumabas ang bata eh maging maayos na ang lahat. Sa mga magiging ninong at ninang ng bata dapat gampanan ninyo ang pagiging pangalawang ama’t ina ng bata sa ngayon pa lang. At isa sa mga tungkulin bilang ama at ina ng bata ay ang mabigyan sya ng maayos at mapayapang buhay hanggang sa sya ay lumaki at magka-isip.
hanga ako dun sa girl, kasi sa times ngayon medyo mahirap maging single mom, di tulad ng pagiging single dad...
dun naman sa guy, hindi sa nagmamalinis pero @%*@)#_&_#&@^@ namang lalake yun, papasok-pasok sa sitwasyon di naman kayang labasan... at wag sabihin na aksidente yun, hindi nya gusto ang nangyari, etc. etc. ... kasi dapat he should be man enough to admit it, na dapat panindigan nya; IMO hindi reason yang sasabihing 'hindi handa' ... lahat naman ng bagay napapaghandaan, at walang binibigay si Lord na hindi kaya....
sa akin, malaking insulto yung line na "ninong ka na lang kasi ayaw mong maging daddy"... siguro una magagalit ako sa girl bakit pinangalandakan yun, pero in time maiintindihan ko yun kasi she needed moral support, and she didn't get any from me... pero malaking dagok sa pagkalalake yung linyang yun, in front of the circle of friends pa naman.
pero yung guy ba, sabi nya hindi sya ready maging father, o hindi pa sya ready maging father sa ngayon? baka kasi gusto nya i-shoulder ang responsibility sa darating na panahon na alam nyang kaya nyang panindigan ang pagiging padre de pamilya....
sa ganang akin, nakaka-insulto ang dating ng linyang "kung ayaw mong maging daddy, eh ninong ka na lang." i guess it would be best and civil to let that particular man out of the scene. and it can be both ways, too. civil na nga si babae, wala na ring papel ang lalaki sa buhay nya.
dude, naiintindihan ko yung babae sa sitwasyong ito. mahirap talagang matanggihan na panagutan ang isang responsibilidad na hindi naman dadating o hindi mangyayari kung hindi gawa ng dalawang tao. so kung ayaw nung lalaki, form of revenge nung babae, gawin syang ninong. pag hindi naapektuhan si lalaki sa ganung set up, singkapal ng great wall of china ang muka nya, pare. ^_^v